Mga prends, musta na kayo diyan. Eto tapos na kandiritan at balik na ulit tayo sa munting bahay kubo. Kaya ayan balik sa gawaing bahay.. ay naku wish ko lang talaga may Inday ako dito na magmamagic at magwawagwag ng kayang walis.
Eh maiba naman tayo balik tayo sa pasyalan blues ko. Naku ang kulit ko talaga, akala ko di na ako makakabalik nang buhay dito sa min. Pano ba naman sa kakulitan ko eh eto nangyari.
- Habang tinitingnan namin yung simbahan eh naisip ni Pilosopo Tasyo na mag join na lang kami sa tour, alas dos raw, nakapaskel.
Pilosopo Tasyo: Pokwang, gusto mo bang join sa tour? Eh di malalaman mo kung bakit ganyan itsura niyan.
Pokwang: Ah talaga? San naman bibili ng ticket? Sige ok yan. (medyo gusto raw maging cultured kuno pero sa totoo lang eh gusto na sugudin mga shops – sale pa naman)
Pilosopo Tasyo: Tingnan natin, sa likod siguro
- Sa kabilang entrance eh may nakapaskel, sorry for the inconvenience ek ek. kung gusto raw bumili ng ticket eh umakyat sa hagdan. Eh di eto pinansin ni Pilosopo Tasyo sabi niya.
Pilosopo Tasyo: Pambihira, san na yung tanungan dito, bakit sarado?
Pokwang: Anong sarado, ayan nga panik raw sa hagdan, don ang info.
Pilosopo Tasyo: Ah ganon, eh di sige bumili ka ng ticket ha (pang asar na tono.. )
Pokwang: (ah ganon ha) Talaga! (pang asar na tono sabay walk out, mapakita nga dito na tama ako)
- makaraan 10 segundo
Pokwang: Tasyo, pengeng pera di ko pala dala pitaka ko. (oops medyo pahiya ako dito ah, walkout kuno wala naman palang pera)
- Eto na po, umpisa na ng adbentyur ni Pokwang. Napansin ko lang eh ang hagdan parang walang katapusan – . Ang sikip .. paikot ng paikot, asan ang tuktok nito?
Pokwang: (waaaa, di na ba natapos to??, kala ko panik lang sa hagdan, eh yun pla stairway to hell heaven!!! -di bale inisip ko lang basta makabili na nga ng ticket)
- Finally natapos na rin ang walang katapusang hagdanan, nakita ko na ang kahero.
Pokwang: (hingal hingal sabay punas ng pawis, face towel from pinas – tumatagaktak kasi pawis) Mama, pabili ng ticket para sa tour 2 tao.
Mamang KampaƱero: Huh??? Anong tour sinasabi mo? Para sa tuktok ng simbahan to. Doon ka lang sa guide sa baba magbayad pag alas dos na. ( sobrang pigil si mamang kampaƱero sa tawa)
Pokwang: Ah sige ho (nanginginig na tuhog – napatingin sa paligid eto nakita niya)
- You’ve made it – 274, just 56 more steps! Eh nga pala di ko nasabi sa inyo, takot ako sa heights. As in, di nga ako sumasakay ng ferris wheel or roller coaster, kahit nga sa swing or seesaw man lang. Medyo muntik na akong mag faint dito nung na realized ko to.
Pokwang: (isip isip . naku dilemma to, kung papanik pa ako eh pano kaya ako bababa? at tska nasan na si Pilosopo Tasyo, eh kung sumilip kaya ako sa bintana, takot naman ako -sabay nginig nang tuhog)
- Tamang tama naman habang nagmu-muni ako dito eh biglang may isang grupo ng turista. Pababa na. Naisip ko sali na rin ako sa kanila kasi at least di ako mag isa bababa 274 steps rin yon at paikot ikot. Naisip ko at least may babagsakan ako pag nanghina tuhod ko..
- Matapos ang mala forever eh nakabalik rin ak sa lupa .
Pilosopo Tasyo: Aber, asan ang ticket?
Pokwang: (pasimple lang kahit nangi-nginig na tuhog at super cool) Ah sabi ng mama eh sa guide na lang daw bumili.
Ahahay, moral of the story? Wala lang, wag maging makulit…


10 comments
Comments feed for this article
Agosto 6, 2008 Sa 5:49 umaga
ak0it0
welcome back ate pokwang.
saya naman pala ng naging adventure mo.musta naman ang mga muscle mo sa binti di ba naman naging singlaki ng palo palo dahil sa dami ng steps na ginawa mo?
Pokwang: hahaha, sinabi mo pa, naku gusto ko ngang kumain ng balot, pampalakas ba ng tuhod, kasi feeling ko lang eh gulaman sila, nanginginig at nanghihina.
Agosto 6, 2008 Sa 8:01 umaga
ahkong
uy, buti naman at umapir ka na…kamusta ang bakasyon ?
ang taas naman ng hagdan na yun, kung ako yun baka hindi na ako umabot sa tuktok dahil sa pagod…LOLs.
Pokwang: ay naku, gusto ko na nga umatras kaso may mga tao sa likod ilalim ko eh di ko alam pano ako makakababa sa kitid ng hagdan, kaya pinanindigan ko na rin, pero di ko na naabot tuktok, sayang nga eh kasi andon ang view! pero nadala ako ng takot.
Agosto 6, 2008 Sa 4:25 hapon
eyna
ate poks! aahahah ang sagwa ata… erase erase… ate pokwang!
hahahaha. parang naimagin ko un kasi ganun din ung Dom sa Cologne. Ung hagdan papunta sa tuktok ng tore eh walang katapusang paikot ikot tas sumisikip pa. Tas kahit nginig na nginig na ang tuhod sa pagod eh di makuhang tumigil kasi feeling ko madudulas ka pag tumigil. Tas pagdating sa tuktok ang lakas naman ng hangin na tipong pag di ka kumapit baka liparin ka na pababa. ahahahah.
musta na nga pala ung tour? nakabili ba kayo ng ticket? harharhar
Pokwang: naku po, eto na ang nakakatawa or tragedy ba… naku bumalik nga kami nung alas 2 don pero walang tao. hanap kami ng hanap, ewan anong nangyari sa tour .. baka pumanik rin sila sa tuktok para sa ticket?? bwaahahahahahahah
Agosto 6, 2008 Sa 7:56 hapon
kengkay
am sure may elevator dun; hindi mo lang nakita, hahahaha. welkam bak, mukhang kami naman ang aalis, kailangan at mababaliw na akeshh. EB tayo magbalik namin. di pa naman sure kung kelan at kung saan, emote lang
Pokwang: uy feel ko yang EB, sige emote tayo, eh sabi naman sa yo di ko pa yan nagagawa kaya naman of course. join me
sige enjoy sa lakwatsa
Agosto 7, 2008 Sa 11:09 umaga
potsquared
welcome back pokwang! saya naman ng adbentyur mo.. ehehehehe buti hindi ka tinawanan ni tasyo? eniweys.. sunod mo na agad ang adbentyur ng masundan agad ang pagbasa! more power! WEEBEE!
Pokwang: di nga natawa si tasyo, sabi sa kin eh bakit daw di ko raw siya tinawagan para nakanapanik rin siya at punta kami sa tuktok? oo nga bakit ko nga kaya siya di tinawagan?? weird ni pokwang,sa sobrang nginig tuhod kasi
Agosto 7, 2008 Sa 2:06 hapon
Aling Baby
haha parang wow mali yung nangyari sayo, pag naiimadyin ko yung itsura mo paakyat at nung sabihin sayo na sa guide na lang bumili hehe…priceless. ang kulit mo kasi ate poks eh, sinabi na ngang huwag haha…ang kulit ng adbentyur mo.
:)
Pokwang: ay naku aling baby sinabi mo pa, talagang wow mali ako, kulit kasi yan ang napala
Agosto 8, 2008 Sa 4:12 umaga
Colegiala girl
Maligayang pagbabalik ate Pokwang. Ako wala nang iba pang masasabi, kung hindi masaya din ako at nagenjoy kayo sa inyong vacation. Recharged na uli kayo kaya masaya na nakabalik kayo ng buo, maligaya, at overflowing with energy, he-he-he. God bless na lang po sa inyo.
Agosto 12, 2008 Sa 7:51 umaga
lilaybulilay
pokwang wow bagong tambayan, buhay ako!!!! hay naku pareho tayong takot sa heights, eh dito pa naman sa satin pag pyesta may perya at may mga rides di talaga ako sumasakay kahit anong pilit sakin ni bossing. more power!!!
Pokwang: uy Lilay, mabuhay, buti naman nagparamdam ang beauty mo! ano, natapos mo na ba movie marathon mo sa internet
?
Agosto 12, 2008 Sa 11:02 hapon
themiseducationofzapped
Ang lesson? “WAG UMARTE NG BONGGANG BONGGA.” un lng.
hahahahha!!! tawa ako ng tawa .. iniisip ko yung hitsura mo pagdating dun sa taas.. pagkatapos mong umarte paakyat, ikokonfirm lng pala na sa baba ang bilihan ng tiket! nyahahaha!
Welcome back , poks!
pasalubong?
Pokwang: naku sinabi mo pa, comedy talaga, with tagaktak ng pawis pa buti na lang na save ng bench labakara ko ang mga pawis, kasi naman di ba, mukhang yagit na lito..:)
Agosto 14, 2008 Sa 6:20 hapon
lilaybulilay
naku pokwang hooked parin ako, pero medyo hinay hinay na kasi nga si bossing baka ma award ako shempre kailangan tapos muna ang gawaing bahay bago magbabad sa pc, pero nakaka adik talga
Pokwang uy talaga, hinang hinang ka na nga, eto ngang si Pilosopo Tasyo napagsabhihan ako obssessed na raw ba ako sa blogging? wow heavy. obsessed, daig pa adik di ba? kulti talga ng asawa ko.