Ay naku, gustuhin ko man o hindi eh tapos na ang bakasyon ko! Balik na naman sa trabaho. Ang bilis rin ng anim na linggo, kala ko ang haba non, kasi ang dami ko pa namang plano. Eto tingnan niyo kung ano ang mga pinlano ko
Plano No. 1 – eh gusto ko sanang maging fit, mag sports ba everyday. Ano result naku tumaba pa ako ng 2 kilo! pambihira.
Plano No. 2 – gusto ko sana tapusin yung mga libro na pinahiram ng colleagues ko . ayon naalikabukan lang sila pero naman dami ko na naka chat na kaibigan sa YM ha, kasi sa time difference at dahil sa work di ko sila nakikita. Ayan tsikahan sa brunei, dubai, us, netherlands, pinas, new zealand atbp.
Plano No. 3 – wish ko lang eh maligpit ko mga kalat ko . mga kabutingtingan na wala namang halaga kundi maging kalat lang, kaso naman daming sale dito kaya ayan nadagdagan pa sila lalo. pag nakita yan ni pilosopo tasyo eh patay tayo diyan, masesermonan na naman ako, kasi sabi ni Tasyo eh sa bawat bili ko daw ng bago kahit ano pa man yon eh dapat magtapon rin ako or mag donate. Sabi naman sa inyo wise talaga to si Tasyo – correct naman siya di ba? Kaso naman ako eto super hoarding! Sabi nga ni Tasyo eh nag-aantay daw ako ng World War 3 pag nakikita niya ang cupboards namin. Pwede raw kami mabuhay ng 1 year.. hmp,. pilosopo talaga!
Plano No. 4 – mag general cleaning to the max, nakupo! ala ring nangyari kasi naman lagi ako telebabad or tv or kakabutingting ko ng mga kalat ko eh nakita ko mga old letters, super basa ako parang nobela (kaya pala di ko nabasa mga books ko!) at nakita ko old pictures. Pambihira! dapat talaga ginawa ko yung Plano no. 1 ko, kasi naman shockers – nakita ko figure ko dati (asa pa figure!)- na depressed me kaya snack time muna.
Eh di bale na nga since pasukan na at back to work na ulit, gawa na lang ako bagong mga plano. Wish ko talaga matupad naman sila.


9 comments
Comments feed for this article
Agosto 8, 2008 Sa 7:35 hapon
kengkay
heheh, ako dami ko rin plano sa buhay, number wan na yung maging seksi ako — kaso mo kasali rin sa plano ko sa buhay e ang magpakabundat sa masarap na pagkain, pano kaya yun
Pokwang: oo nga correct ka dyan hirap talga maka iwas sa masasarap na pagkain o kaya yung talaga bang mag e-excercise tayo tuwing umaga.. hay buhay, hirap talag .. sige snack time muna..
Agosto 9, 2008 Sa 1:49 umaga
potsquared
kaya mo yan pokwang… magkaroon ka ng kahit small goal sa isang araw and wag mong tignan ang kaubuuan ng plano mo.. in the end, yung unti-unti mong effort ay magiging isang malaking SUCCESS! Winner ka jan!
Pokwang: wow very encouraging naman tayo diyan ha, pero sa totoo lang alam ko na alam mo ang yong sinasabi, kasi naman it worked for you di ba? nakita ko ata ang before and after pictures mo, success talga! sige pramis today bawasan ko cookies and chocolates.. sana makatulong kahit papano
Agosto 9, 2008 Sa 2:35 hapon
Colegiala girl
Mas magaling gumawa ka na lang ng plano, mas madali kay sa ginagawa mo iyong mga nauna pang plano mo, hehehe.
Jokingly aside, iyong pagiging physically fit ang importante. Dahil kung hindi ka physically fit you are not fit to do your plans, hehehe. Wish you good luck ‘te.
Pokwang: yup korek ka dyan, ay naku sana nga maging fit na me… di bale, dadahan, dahanin muna natin yan. kung sa pagpa-plano lang talga eh magaling tayo diyan, implementation lang nga kulang
Agosto 10, 2008 Sa 12:04 hapon
sommer
hiyee!! thank you sa pagdaan sa bahay ko.
naku, sabi nga parang pag bakasyon ang bilis ng takbo ng oras. november pa bakasyon ko pero mega gawa na ako ng iterinary ko. sana matupad ko.hehehe!
…sana nga din matupad na mga bago mong plans.=)
Pokwang uy goodluck sa mga plano mo, sana eh matupad, pati na rin mga iteneraries mo! importante yan.. aba ang bilis ata ng panahon before you know it eh november na. o di ba? kaya maganda yan agahan na ang pagpa-plano at d lang plan A, pati na plan B, C and D
Agosto 11, 2008 Sa 6:22 umaga
Ah'Kong
Hallleerrr !!!
Hay nakupo, pareho tayo ng nangyari nung nagbakasyon ako sa pinas. Sa dinami-rami ng plano ko kahit isa walang nagawa…LOLs.
Mas maganda pang hwag ng magplano….kung ano na lang ang maisipan yon na. Go! Go! Go!
Pokwang at least nag enjoy ka pa rin di ba? kahit mga plano eh napako eh di bale na basta enjoy na rin
Agosto 12, 2008 Sa 7:48 umaga
kirksydney
Ahh taga Alemanya ka pala.
Goodluck sa mga plano mo. Sana more than one man lang ang magawa mo. Haha.
Pokwang: oo nga eh di bale may follow post tayo dyan
abangan ang susunod na kabanata!
Agosto 12, 2008 Sa 7:58 umaga
lilaybulilay
ako ang plano ko, matupad yung mga pinlano ko…never kasi nasusunod yung mga plano, kaka frustrate lang tuloy =( kelan ang EB natin???
Pokwang:</strong oo nga noh, kaka frustrate minsan or kakaguilty sabihin mo, yup yun na nga, guilty talaga kasi walang natuloy puro napako plano, pero itong plano na matutuloy! EB, yipee! kailan, saan? eh pambhira, pano kaya yan eh may trabaho ako hanggang 4:00 everyday. sana pala nung bakasyon nagawa natin yan. pag weekend?
Agosto 12, 2008 Sa 9:31 umaga
kengkay
kelan EB, weee
Pokwang: kelan nga kengks? kasi work ko hanggang 4 lagi, pag weekend? uy excited me
sige kayong mga sanay dyan ni Lilay sa eB EB na yan ha, sabihin nyo lang sa kin kung saan at pano.
Agosto 12, 2008 Sa 11:05 hapon
themiseducationofzapped
Gusto ko yung idea ni Pilosopo Tasyo na kapag bumili ka, magtapon ka rin.
at kung magtatapon ka rin lng, itapon mo na lang sakin.
Make sense diba?
May chocoloates ba jan na pwede nang itapon?
Pokwang: haha tawa naman ako don
aba kung malapit ka lang eh talgang makakasalo ka sa kin ng tapon, meron ring chocolate expired nga lang ! haha