Gaya nga nang nasabi ko eh tapos na bakasyon at eto kayod na naman tayo, syempre kailangan ng salapi para may pambayad sa bahay at kung ano ano pang luho gaya ng internet at paghahanap ng bargain!
Eh dito lang sa Alemanya bakit kaya pagkatapos ng bakasyon paboritong hirit ng mga tao eto
Pokwang: Oy Cameron, kamusta na? (sabay beso beso)
Cameron: Uy Pokwang, ano kamusta? san ka nagbakasyon, ano ginawa mo, kamusta weather don?
Pokwang: Ah eh (teka lang isip si Pokwang, counted ba 6 days na bakasyon na out of town sa loob ng 6 na linggo na in the house?)
Cameron: (medyo na bo-bore na, antay antay pa rin ng konti)
Pokwang: ah eh, dyan lang ako sa black forest nagpunta
Cameron: ah …. (di na interesado kasi dito lang punta ako) ah ako sa Italy, sa Sicily, ganda, sarap food, blah blah blah
Kasalukuyan dating naman si Angelina..
Angelina: Uy sa Italy ka nagbakasyon, ako sa Greece ganda… sarap food, blah blah….
Jennifer: Ako naman sa US, uy ganda shopping, blah blah…
Eh ako wala lang, di na napansin, kasi naman di naman ako nag out of the country at sumakay ng eroplano, kaya di interesting ang pasyal ko. At bakit kaya laging saya ng bakasyon, ganda at kung ano ano pa,… eh minsan may kakilala ako eto kwento niya.
Pokwang: Uy kamusta naman ang bakasyon mo sa Ecuador?
Brad: Uy ganda, saya, ok shopping, ganda ng weather, interesting….etc etc. blah blah
Pokwang: talga? ano pa, kwento pa? (medyo in the mood ako makinig kasi kakaiba lugar di oyropa. asya or US)
Brad: eh nga pala nalimutan kong ikwento (matapos niyang magkwento 30 minutos tungkol sa byeha niya), naholdap ako don, kuha phone ko at pera, pati kwintas.
Pokwang: HA??? (shock ako pano naging maganda yon, kung nagkaholdapan ??)
Weird di ba? siguro kung di ako nagtanong eh kwento puro magaganda lang. Simula non di na ako believe sa lahat ng kwentong byahe.. may halong kwentong barberya yan.


5 comments
Comments feed for this article
Agosto 13, 2008 Sa 1:03 umaga
Colegiala girl
Tutoo po iyan ate, hindi naman lahat ng bakasyon ay puro saya na lang may mga unforgetable experience din diyan di ba. Ako unforgetable experience ko nang nagpunta ako ng Cebu, kala mo gala… iyon pala naligaw ako. Lakad ng lakad, nahihiyang magtanong hanggang napagod sa paghahanap ng hinahanap. Sa isang tindahan nagsoftdrinks muna ako. Tapos may batang makulit na naglalaro at biglang lumapit at nagtanong sa akin. Sa una Cebuano ang salita, pero nang nagtagalog ako, nagtagalog na rin siya. Dahil bata sinabi ko na nawawala ako, at may hinahanap na kaibigan. Sinabi ko ang pangalan at address nang bigla siyang napasigaw, tita ko iyan… tita ko iyan. Nasa may looban pala ang tita niya, papaano ko pa makikita e sa labas ng kalye lang ako, hehehe.
Pokwang: Ganda naman ng story mo, talagang unforgetable, parang pang movie, “maalaala mo kaya” – aliw ko, kakaiba nga. buti naman may happy ending kasi medyo na suspense ako kung ano nga magiging ending, takot ako baka holdapan blues. pero super duper happy pala ang resulta ng adventure mo. kaya next time eh magtanong na ka na lang, yan lang mapapayo ko.
Agosto 14, 2008 Sa 12:55 umaga
potsquared
naku, ok lang sana kung maiintindihan mo ang pagtatanungan mo, dito sa japan, pagnagtanong ka, lalayo sila sa iyo, para kang may nakakahawang sakit! pero meron namang mababait, ituturo nila ang direksyon sa iyo… pero lagi kong tinatanungan eh yung mga cute at sexy chicks (napaghahalata) pero pag hindi k otrip lumandi, kahit kanino pwede na…
Pokwang: ok ka dyan ha, sa mga cute and sexy – eh nahanap mo ba naman ang patutunguhan mo? kasi naman baka puro pagpapacute lang alam ng mga chicks na yan. ako sa matatanda nagtatanong kasi di ba experienced na sila tsaka malamang talaga taga don sila sa lugar na yon kasi di naman gala masyado mga lolo, lola.
Agosto 14, 2008 Sa 6:18 hapon
lilaybulilay
hay naku ganun talaga sa umpisa ng kwento masaya muna tapos pag tagal tagal tsaka na ikukuwento yung karumal dumal para dika mabigla hehehe. Welcome back, masarap sa Blackforest pero nung pumunta kami winter, sana pagbalik namin summer naman.
Pokwang: yup sinabi mo pa. uy punta ka don pag summer rin masaya rin.. tska sarap mag hiking hiking kuno
Agosto 15, 2008 Sa 12:11 umaga
themiseducationofzapped
Keeping one up with the Jones’ ang tawg sa ganyang klaseng kwentuhan! sa tagalog : pataasan ng ihi.
Pokwang korek ka dyan. pataasan talaga ng ihi
Agosto 18, 2008 Sa 1:59 umaga
chateau a.k.a. imom
Hmm, yun din ang sasabihin ko sana ^ . Payabangan lang sila. Siyempre hindi na nila ikukuwento yung mga palpak at nakakahiya. hehe
Pokwang: yup, sayang naman pera di ba? mahal pa naman magbakasyon ha