Nakausap ko kaibigan ko nung Lunes, sabi niya kung gusto ko raw eh kita kami within this week, nasa bahay lang naman siya. . Sige sabi ko naman, tawagan ko na lang siya. So kanina naisipan ko nga siyang puntahan, pero sa sobrang kabisihan sa trabaho eh di ko na siya natawagan.

Paalis na ako papunta sa kanila nung naisipan ko siyang tawagan.

Pokwang: Uy prend, punta na ako diyan.

Prend: Ah eh umuulan dito

Pokwang: Ha? di umuulan dito, eh di bale by that time na dumating ako diyan eh di na umuulan.. mga ala 6 (kasalukuyang alas 3) tska may payong naman ako

Prend: Ah eh sigurado ka ba? Ang dilim, as in lakas ng ulan!

Pokwang: pambihira, signal no. 3 ba yan eh ang tindi ng sikat ng araw sa balat ko kasalukuyan

Prend: ah eh

Di nyo ba napansin, hina ng pick up ko no? Matapos ilang minuto eh finally bumigay na rin si Prend. Di pala siya pwede. Hay buhay, feeling ko eh biglang naulan nga. Naudlot lakwatsa ko. Hirap ng isa konti lang na pinoy kaibigan. Pag di na sya pwede eh la nang gimmick. All by myself na naman me :( pero panindigan na nga lakwatsa so diretso pa rin sa istasyon

Habang ako muni muni eh punta na ako sa istasyon ng tren. Bili ng ticket, antay. Balik muni-muni, self pity, home sick at kung ano ano pang kadramahan. Tingin sa mga katabi sa waiting shed. Tingin sa oras, Ah parating na tren, 2 minuto na lang.

Matapos 2 minuto

Ah ang tren- lumagpas! mali pala waiting shed ko -sa kabila dapat! waaa.. ayan drama, drama kasi. Takbo ako, baka maabutan ko pa. Sabay tingin mga aleman sa kin. Isip siguro nila, weirdo ako.

Syempre di ko naabutan tren.

Pambhira siguro million times ko na nagamit itong istasyon na to, pero palpakers talaga. Sigurado ako na yung mga katabi kong aleman sa waiting shed eh,antay sa drama ko na napag-iwanan ng tren. Ito kasi past time ng mga tao sa istasyon, wala lang panoorin kapwa pasahero.

Pero sorry na lang sila, di ako pumanik sa waiting shed. Hayaan ko ngang isipin nila naabutan ko tren (kunyari super woman, faster than a speeding bullet) . Pra sila pahiya :)

…..

Well may happy ending pala story ko, di ko nga nakita si prend eh nag shopping na lang ako ng mga bagay na di ko naman kailangan in the end :( at tinawagan ko nga pala kaibigan/colleague kong aleman. So saya na rin, di nga lang rice kinain namin, patatas at damo (salad).