Bakit kaya ganon when it rains it pours talaga. Pano kanina napansin ko male-late ako sa trabaho. Pero naisip ko pag binilisan ko eh , over speeding kumbaga (wish ko lang walang camera at radar) , eh aabot pa rin ako. So mabilisan na sumakay sa auto at tapak sa gas.. kaso pag liko ko naman eh minalas. Nakupo yung truck nang basurero andon.. eh one way pa naman. Gusto ko man umatras, di rin pwede kasi may kotse na likod ko. So ano pa nga ba magagawa ko? Antay na lang at takip sa ilong kasi baho pa naman.
Makalipas ilang minuto na feeling ko lang eh matagal pa siya sa forever.. Pambihira naman puro pula ang traffic light, feeling ko nanadya ata panahon. Bakeeet? Anong ginawa ko sa yo traffic light to deserve this! As in abot ako sa kabilang traffic light pula na naman, tapos sa kabila, pula na naman. Meanwhile countdown na talaga. Kala ko eh nakaluwag na ako kasi nasa semi highway naman na ako nang mapansin ko eh traffic naman. Pero clever naman sana ako kaya kanan agad at hanap ng ibang daan… ngek– road under repair pala. Gusto ko nang umiyak.. tawag na sana ako sa trabaho na male-late ako .. hanap sa bag ng mobile phone .. ngek?!! kakamadali naiwan ko pala
Finally nakabalik na ako sa original na route ko nang may isa namang pagong na kotse na super bagal, dapat sana eh 50 at gusto ko sanang humarurot don ng 70 para di ma late andar niya kaso 30!!! Di ko naman ma overtake so ayon.. super asar ako sa kanya at gusto ko na talagang banggain businaan kaso bawal rin yon dito. Hay buhay finally naka rating rin ako sa trabaho, late syempre. At nung papatayin ko na makina ko eto nakita ko – ahahahay yung hand break di ko naalis.. patay tayo diyan! Pambihira, kung minalas ka talaga oo! Di ko alam kung simula pa sa bahay eh naka handbreak na? Pano low tech kotse ko walang nag be beep pag nakalimutan hand break. Hay naku, buntung hinanga na nga lang nang million times……….


7 comments
Comments feed for this article
Agosto 16, 2008 Sa 1:11 umaga
potsquared
naku, pudpuod ang break pads mo niyan…
pero totoo nga yun, when it rain it pours… pero always.. there is a reactive and opposite force in every situation, it will always teach you things that will make you better in the future…. ang pagtanggal ng handbreak.. hihihi ingats pokwang!
Pokwang: korek ka dyan,hmmm mukhang naa-apply mo na natutunan mo sa yong new book, yung binili mo last week
sige pagbutihan mo
Agosto 16, 2008 Sa 8:08 umaga
bernardumali
ganun ata talaga, minsan kung kelan ka nagmamadali saka ka inaasar ng pagkakataon – murphy’s law.
Pokwang: oo nga no, murphy’s law, parang yung pag nag aantay ka ng jeep eh walang jeep puro taxi,. pero pag taxi naman kailangan mo puro jeep naman dumadating ..bad trip!
Agosto 16, 2008 Sa 6:54 hapon
Cocoy's Delight
Ingat ka lang sa selinyador at tapak ng preno.Ganyan din dito sa amin sa umaga at sa hapon usad pagong ang traffic.It is not the way you drive,the way you arrive.
Pokwang: huh? nakupo no read no write ako diyan pagdating sa parts ng kotse, eh ano yung selinyador, di ko alam .. di nga ako marunong magtangke ng gas.. bwahaahh , pambihira , yung asawa ko lagi nagtatangke, minsan no choice, naku naghanap ako ng mabait na mama sa gasolinahan, napakamot na lang siya
Agosto 17, 2008 Sa 10:04 umaga
sommer
..tsk! ang baguio girl minalas ata ah.hehehe!
..ok ng late at least ok kang nakarating sa office.
…lola, anong iskul ka sa baguio???=)
Agosto 18, 2008 Sa 2:17 umaga
chateau a.k.a. imom
OMG, naka handbrake ka all the way???
Minsan ganayn din kami, kung kelan nagmamadali na, tsaka naman lahat ng panget and malas lumalabas sa daan. Minsan naman sobrang swerte, like the past two weeks, ilang beses na lahat green and go! I love those days. Feeling ko love din ako ni Buddha.
Ahem, selinyador is the gas pedal. Duh. hehe
Agosto 30, 2008 Sa 12:18 hapon
watusiboy
minsan talaga sunod sunod ang kamalasan. ako rin minsan ganyan. parang galit sa akin ang mundo.
Agosto 30, 2008 Sa 1:14 hapon
Aling Baby
kahit ako na-depress sa kwento mo ate poks…pambihirang araw yan. minsan talaga ibang magbiro ang tadhana. wattaday talaga! in fairness may lesson learned dito….Gumising ng maaga para indi maabala. *wink!