Hello mga prends… musta na kayo? Kung akalaya niyo na natabunan na ko ng sangkatutak na german sausages at beer eh nagkamali kayo, eto buhay pa rin kahit na nga medyo hilo.. dala na rin ng katamaran kabusy-han at kasakitan eh ayan natabunan na talaga ng alikabok ang blog nito. Ewan ko lang kung may naka-alala sa kin at naligaw pa rin dito kahit walang sign ng buhay , kung ikaw yon eh mabuhay. salamat sa yong concern :) Tsaka itong si Pilosopo Tasyo eh daming projekto na pinapatapos sa kin kaya naman wala na talaga akong time mag blog.

Di bale mapapadalas ulit pagba-blog ko pag bakasyon na ulit .. isang linggo na lang, bawat araw eh bilang na bilang. Sarap talaga maging titser kahit na nga ang sweldo (kahit dito sa Alemanya) eh konti lang dami na mang free time – aba time is gold di ba? Higit pa sa pera yon. Mapabalik tayo sa pagiging titser ko eh, nung isang araw eh may PTA meeting kami . alam niyo kung nanay/tatay  kayo eh malamang nagawa niyo na rin yan. Di ko nga masyadong feel yan kasi naman small talk kuno kuno sa mga nanay at tatay – syempre ano favorite topic nila?? mga anak nila! eh pag naubos na yung topic na yon – awkward na.. Pero may incentive naman itong meeting na to at ang cook namin eh italiano- naku po! Ang sarap ng pagkain. Wine and cheese ang pika pika. Pero naman alam niyo mga italiano eh takot magutom parang pinoy kaya   eh mahigit sa isang dosenang klase ang keso, daming finger foods at instead na mapa small talk ako eh kasama ko ang co titser ko at binantayan namin ang lamesa.Kain dito at kain doon inatupag namin. Small talk? Ano yon?   Ang pinaka paborito ko eh ang mga hipon.. talagang inisnab ko ang mga ham, keso & co… Aba akalain niyo ba nung nagpa-alam ang isang tatay sa kin eh eto linya niya.

Mr. Brad PittO sige, magandang gabi na lang, paalam.. (kausap niya kaming mga 5 titser)

Mga titsersPaalam ...

Mr. Brad Pitt   – (sabay bungad sa kin) Ah Mrs. Pokwang, sana ay nasiyahan kayo sa mga hipon … hanggang sa susunod na hipunan!!!

Pokwang - “huh?? ako ba yon??” muntik na akong himatayin sa kahihiyan.. buhay nga naman oo!