Nakupo, sorry mga kapatid. Sobrang tagal ko nang di nadalaw itong bahay ko na to, aba naman, nalimutan ko na ang password ko at username, pramis!!  Di ko nga alam kung meron pang babasa nitong post na ito pero sige na nga, sulat na rin ako, baka sakaling may maligaw😉

Kahapon, kausap ko yung brod in law ko at naikwento sa kin bagong chismis na sa totoo lang eh lumang kwento na. Pero sa kakakwento niya ay na inspayr tuloy akong i blog ito.

Eh kayo ba nasubukan niyo na pag kausap mga pamilya sa Pinas eh sa dami ng kwento eh kung ano-ano istorya nila. Minsan nga kausap ko si Madir pati ba naman ulam ng kapitbahay nakwento niya sa kin. Minsan eh gusto ko na nga mag goodbye kaso baka magtampo naman si Mader/Sistah/Bro kaya sige kinig na rin ako sa mga kwentong kakatawa or kakasakit ng bulsa (aba mahal ata kada minuto!)

Basahin niyo rito mga  hirit ng kapamilya.

1. Kilala mo ba? –

Madir: Kilala mo ba si Baby, pamangkin ng kapatid ni Maria?

Pokwang: Huh? Sinong Baby, sinong Maria?

Madir: (medyo irita) Ano ka ba naman Pokwang, si Baby, yung anak ni Dolce, kapatid ni Maria? Si Baby!

Pokwang: Di nga Mader sino nga yon? Di ko gets…

Mader: Susme! Anak ni Dolce, kapatid ni Maria.. si Maria yung kapitbahay ng Auntie Susan mo,

Pokwang:  (di pa rin gets pero napansin 3 minuto na nasayang sa usapang ito kaya sige na nga ituloy na rin) Susan??? AHHHH si Auntie Suzy pla (Susan pala pangalan non!)

Mader:  hay naku yun na nga.. o yan punta raw yung si Baby dyan sa Alemanya

Pokwang: Di ko naman kilala yung Baby na yan.

Mader: Aba kahit na, sabi ko tulungan mo naman dyan sa Alemanya, mag adjust alam mo na, Baka kailangan mga tips, ek ek., para di naman siya ma depress. Dala-dalawin mo rin.

Pokwang: Sya, sya, sige na nga. San ba yon nakatira?

Mader: Aba, basta sa Germany. San pa nga ba? (Pilosopong sagot ni Mader)

Pambihira, madalaas minsan  naman feeling ata ni Mader kasing laki lang ng Baguio itong Alemanya. Parang lahat ng tao pwedeng magkita sa Session Road kahit ayaw nila, kasi isa lang town.

Sige tuloy ulit part 2 next post. Hanggang sa susunod!

Hello mga prends… musta na kayo? Kung akalaya niyo na natabunan na ko ng sangkatutak na german sausages at beer eh nagkamali kayo, eto buhay pa rin kahit na nga medyo hilo.. dala na rin ng katamaran kabusy-han at kasakitan eh ayan natabunan na talaga ng alikabok ang blog nito. Ewan ko lang kung may naka-alala sa kin at naligaw pa rin dito kahit walang sign ng buhay , kung ikaw yon eh mabuhay. salamat sa yong concern🙂 Tsaka itong si Pilosopo Tasyo eh daming projekto na pinapatapos sa kin kaya naman wala na talaga akong time mag blog.

Di bale mapapadalas ulit pagba-blog ko pag bakasyon na ulit .. isang linggo na lang, bawat araw eh bilang na bilang. Sarap talaga maging titser kahit na nga ang sweldo (kahit dito sa Alemanya) eh konti lang dami na mang free time – aba time is gold di ba? Higit pa sa pera yon. Mapabalik tayo sa pagiging titser ko eh, nung isang araw eh may PTA meeting kami . alam niyo kung nanay/tatay  kayo eh malamang nagawa niyo na rin yan. Di ko nga masyadong feel yan kasi naman small talk kuno kuno sa mga nanay at tatay – syempre ano favorite topic nila?? mga anak nila! eh pag naubos na yung topic na yon – awkward na.. Pero may incentive naman itong meeting na to at ang cook namin eh italiano- naku po! Ang sarap ng pagkain. Wine and cheese ang pika pika. Pero naman alam niyo mga italiano eh takot magutom parang pinoy kaya   eh mahigit sa isang dosenang klase ang keso, daming finger foods at instead na mapa small talk ako eh kasama ko ang co titser ko at binantayan namin ang lamesa.Kain dito at kain doon inatupag namin. Small talk? Ano yon?   Ang pinaka paborito ko eh ang mga hipon.. talagang inisnab ko ang mga ham, keso & co… Aba akalain niyo ba nung nagpa-alam ang isang tatay sa kin eh eto linya niya.

Mr. Brad PittO sige, magandang gabi na lang, paalam.. (kausap niya kaming mga 5 titser)

Mga titsersPaalam ...

Mr. Brad Pitt   – (sabay bungad sa kin) Ah Mrs. Pokwang, sana ay nasiyahan kayo sa mga hipon … hanggang sa susunod na hipunan!!!

Pokwang “huh?? ako ba yon??” muntik na akong himatayin sa kahihiyan.. buhay nga naman oo! 

Sorry po kung bumalik-balik kayo dito at wala namang ni ha or ho at kung ano ano pang kwento this side of the world. Pano naman eh medyo nagloloko itong computer ko at talagang gusto nang mama-alam. Kasi naman yung monitor eh punong puno ng horizontal linya ng kung ano ano talagang nakakahilo mag type or lalo na magbasa. So hanggang wala pang bagong computer eh medyo mabagal ang takbo ng buhay ni Pokwang. Di ko nga alam kung ano ang bibilin kong computer.  Sabi ng co titser ko eh yung daw I Mac, sossy daw at madaling gamitin.. kaso naman pano kya yung mga dati kong files na andito? Mabubuksan ko ba yon sa super mahal na at sossy looking IMac? Hmmm? May alam ba kayo diyan?

Sabi naman ni Pilosopo Tasyo eh bili na lang daw ako ng laptop or ng notebook? Ngek, magkaiba pala yon?!!! Kala ko pareho lang.. pano raw lagi ako nakikigamit sa kanyang laptop or notebook eh asar na siya dahil ang bagsak niya eh sa mabagal at sumpungin na ngayon eh namamaalam at sirang computer… hay buhay.. di ko talaga alam ano solution.. kaya ayan 2 linggo na akong walang computer.. pero kahit kakahilo to eh sige type muna ako,  para alam niyo naman na buhay pa ako kahit papano.

Eh kung may suggestion kayo alin talaga magandang computer eh sige, leave me a suggestion or baka naman pwede pang maayos tong computer.  Ang computer ko ngayon eh yung normal lang with plasma monitor, di ko alam kung yung monitor yung sira or yung motherboard, kasi nakakaonline pa naman ako at nao-on ko pa siya pero yung itsura ng screen eh puno po talaga ng linya, nakakaduling..  salamat in advance.

Sipag ko pa naman mag tag (asa pa!) pero sabagay wala ata akong maisip ma post kaya ok na rin to, tska di ba ang tags daw eh nagawa to get to know each other better😉 Kaya eto na, ayan pot, wala ka nang masasabi ha, tinupad ko pramis.

Here’s the rule…

Click copy/paste, type in your answers and tag four people in your list! Don’t forget to change my answers to the questions with that of yours.

1. Four places I go over and over

Taunus International School (my workplace no choice, babalik-balikan ko talaga, para naman may pang shopping, pang internet at pambili ng pang balikbayan box sa mga pamangkins)

ICF (International Christian Fellowship – church na pinupuntahan ko, daming iba ibang lahi ang saya!)

Rewe/Aldi/Lidl (groceries) – kailangang kumain at mamili ng food sa ayaw at sa gusto ko

Kim & Kim (asian grocery) – nakupo kung wala lang tong kim&kim eh malamang bumalik na ako ng pinas. kahit na anong sabihin eh i need my rice and soy sauce na pinoy pati na rin patis at pancit bihon

2. Four people who e-mails me regularly

UBscihigh90 yahoo group – high school klasmeyts, kaso naman di related ang mga email nila sa kin kasi nasa esteyts sila or sa baguio, sabay ilokano pa, hirap pa naman ako mag ilokano except my favorite line – awan tawar na manang?

Friendster – bday ng prend, comment sa photo, message ng friend etc. add ka ni prend, nag iwan ng smile si prend

WordPress – so and so left a comment on your blog, syempre hapi me dyan. may pumansin sa kin.

Canadian Pharmacy – di ko ba alam bakit di ako tantanan bentahan ng viagra nito. pambihira, nilagay ko na nga sa spam mail, di pa rin nahinto

3. Four of my favorite places to eat

Ding Ding Sheng – best real chinese restaurant in Frankfurt pramis! walang kaartehan, kainan lang, daming real chinese kumakain dito. suki na nga ako at may libreng tea na aba 2.50 euro din price non ha

Sushi boy – kahit na nga mahal japanese food dito, minsan minsan na lang, ma treat sarili

Cafe by the Ruins – kung taga baguio ka alam mo to. sarap ng pagkain don kakaiba, kamote bread , mountain coffee, shitake mushrooms ek ek.. at kung ano ano pa, kaso wala nito dito eh.

Pokwang’s Kitchen – syempre naman, mahalin sariling atin .. syempre pa sino ba magluluto ng pinoy food dito kundi ako lang. wala kasing resto dito offering pinoy food eh😦

4. Four places you’d rather be

Baguio

Boracay

Tuscany, Italy – sarap bakasyon dito. talagang ganda at sarap ng italian food and wine. hay buhay.

Provence, France – di ko pa napunthan pero feel ko lang

5. Four TV shows I could watch over and over.

The Simpsons

Friends

Sex and the City

Married with Children

6. Four people I think (and hope) will respond.

Kengkay –kaso nasa bakasyon siya, baka pagbalik niya?

Lilay – para naman mag blog na siya at di lang puro nood tv via internet streaming

Eyna – para naman mag post na sya ng bago kasi tagal na ng huling post

Chats – ewan ko lang kung binabasa niya tong blog na to ha, pero sige let’s give it a shot. ,ma test nga si ading,

*******

hay buhay, nakaraos rin, sige hanggang sa susunod na kandirit.. happy work week to all of us!

Bakit kaya ganon when it rains it pours talaga. Pano kanina napansin ko male-late ako sa trabaho. Pero naisip ko pag binilisan ko eh , over speeding kumbaga (wish ko lang walang camera at radar) , eh aabot pa rin ako. So mabilisan na sumakay sa auto at tapak sa gas.. kaso pag liko ko naman eh minalas. Nakupo yung truck nang basurero andon.. eh one way pa naman. Gusto ko man umatras, di rin pwede kasi may kotse na likod ko. So ano pa nga ba magagawa ko? Antay na lang at takip sa ilong kasi baho pa naman.

Makalipas ilang minuto na feeling ko lang eh matagal pa siya sa forever.. Pambihira naman puro pula ang traffic light, feeling ko nanadya ata panahon. Bakeeet? Anong ginawa ko sa yo traffic light to deserve this! As in abot ako sa kabilang traffic light pula na naman, tapos sa kabila, pula na naman. Meanwhile countdown na talaga. Kala ko eh nakaluwag na ako kasi nasa semi highway naman na ako nang mapansin ko eh traffic naman. Pero clever naman sana ako kaya kanan agad at hanap ng ibang daan… ngek– road under repair pala. Gusto ko nang umiyak.. tawag na sana ako sa trabaho na male-late ako .. hanap sa bag ng mobile phone .. ngek?!! kakamadali naiwan ko pala😦 Finally nakabalik na ako sa original na route ko nang may isa namang pagong na kotse na super bagal, dapat sana eh 50 at gusto ko sanang humarurot don ng 70 para di ma late andar niya kaso 30!!! Di ko naman ma overtake so ayon.. super asar ako sa kanya at gusto ko na talagang banggain businaan kaso bawal rin yon dito. Hay buhay finally naka rating rin ako sa trabaho, late syempre. At nung papatayin ko na makina ko eto nakita ko – ahahahay yung hand break di ko naalis.. patay tayo diyan! Pambihira, kung minalas ka talaga oo! Di ko alam kung simula pa sa bahay eh naka handbreak na? Pano low tech kotse ko walang nag be beep pag nakalimutan hand break. Hay naku, buntung hinanga na nga lang nang million times……….

Nakausap ko kaibigan ko nung Lunes, sabi niya kung gusto ko raw eh kita kami within this week, nasa bahay lang naman siya. . Sige sabi ko naman, tawagan ko na lang siya. So kanina naisipan ko nga siyang puntahan, pero sa sobrang kabisihan sa trabaho eh di ko na siya natawagan.

Paalis na ako papunta sa kanila nung naisipan ko siyang tawagan.

Pokwang: Uy prend, punta na ako diyan.

Prend: Ah eh umuulan dito

Pokwang: Ha? di umuulan dito, eh di bale by that time na dumating ako diyan eh di na umuulan.. mga ala 6 (kasalukuyang alas 3) tska may payong naman ako

Prend: Ah eh sigurado ka ba? Ang dilim, as in lakas ng ulan!

Pokwang: pambihira, signal no. 3 ba yan eh ang tindi ng sikat ng araw sa balat ko kasalukuyan

Prend: ah eh

Di nyo ba napansin, hina ng pick up ko no? Matapos ilang minuto eh finally bumigay na rin si Prend. Di pala siya pwede. Hay buhay, feeling ko eh biglang naulan nga. Naudlot lakwatsa ko. Hirap ng isa konti lang na pinoy kaibigan. Pag di na sya pwede eh la nang gimmick. All by myself na naman me😦 pero panindigan na nga lakwatsa so diretso pa rin sa istasyon

Habang ako muni muni eh punta na ako sa istasyon ng tren. Bili ng ticket, antay. Balik muni-muni, self pity, home sick at kung ano ano pang kadramahan. Tingin sa mga katabi sa waiting shed. Tingin sa oras, Ah parating na tren, 2 minuto na lang.

Matapos 2 minuto

Ah ang tren- lumagpas! mali pala waiting shed ko -sa kabila dapat! waaa.. ayan drama, drama kasi. Takbo ako, baka maabutan ko pa. Sabay tingin mga aleman sa kin. Isip siguro nila, weirdo ako.

Syempre di ko naabutan tren.

Pambhira siguro million times ko na nagamit itong istasyon na to, pero palpakers talaga. Sigurado ako na yung mga katabi kong aleman sa waiting shed eh,antay sa drama ko na napag-iwanan ng tren. Ito kasi past time ng mga tao sa istasyon, wala lang panoorin kapwa pasahero.

Pero sorry na lang sila, di ako pumanik sa waiting shed. Hayaan ko ngang isipin nila naabutan ko tren (kunyari super woman, faster than a speeding bullet) . Pra sila pahiya🙂

…..

Well may happy ending pala story ko, di ko nga nakita si prend eh nag shopping na lang ako ng mga bagay na di ko naman kailangan in the end😦 at tinawagan ko nga pala kaibigan/colleague kong aleman. So saya na rin, di nga lang rice kinain namin, patatas at damo (salad).

Gaya nga nang nasabi ko eh tapos na bakasyon at eto kayod na naman tayo, syempre kailangan ng salapi para may pambayad sa bahay at kung ano ano pang luho gaya ng internet at paghahanap ng bargain!

Eh dito lang sa Alemanya bakit kaya pagkatapos ng bakasyon paboritong hirit ng mga tao eto

Pokwang: Oy Cameron, kamusta na? (sabay beso beso)

Cameron: Uy Pokwang, ano kamusta? san ka nagbakasyon, ano ginawa mo, kamusta weather don?

Pokwang: Ah eh (teka lang isip si Pokwang, counted ba 6 days na bakasyon na out of town sa loob ng 6 na linggo na in the house?)

Cameron: (medyo na bo-bore na, antay antay pa rin ng konti)

Pokwang: ah eh, dyan lang ako sa black forest nagpunta

Cameron: ah …. (di na interesado kasi dito lang punta ako) ah ako sa Italy, sa Sicily, ganda, sarap food, blah blah blah

Kasalukuyan dating naman si Angelina..

Angelina: Uy sa Italy ka nagbakasyon, ako sa Greece ganda… sarap food, blah blah….

Jennifer: Ako naman sa US, uy ganda shopping, blah blah…

Eh ako wala lang, di na napansin, kasi naman di naman ako nag out of the country at sumakay ng eroplano, kaya di interesting ang pasyal ko. At bakit kaya laging saya ng bakasyon, ganda at kung ano ano pa,… eh minsan may kakilala ako eto kwento niya.

Pokwang: Uy kamusta naman ang bakasyon mo sa Ecuador?

Brad: Uy ganda, saya, ok shopping, ganda ng weather, interesting….etc etc. blah blah

Pokwang: talga? ano pa, kwento pa? (medyo in the mood ako makinig kasi kakaiba lugar di oyropa. asya or US)

Brad: eh nga pala nalimutan kong ikwento (matapos niyang magkwento 30 minutos tungkol sa byeha niya), naholdap ako don, kuha phone ko at pera, pati kwintas.

Pokwang: HA??? (shock ako pano naging maganda yon, kung nagkaholdapan ??)

Weird di ba? siguro kung di ako nagtanong eh kwento puro magaganda lang. Simula non di na ako believe sa lahat ng kwentong byahe.. may halong kwentong barberya yan.

Ay naku, gustuhin ko man o hindi eh tapos na ang bakasyon ko! Balik na naman sa trabaho. Ang bilis rin ng anim na linggo, kala ko ang haba non, kasi ang dami ko pa namang plano. Eto tingnan niyo kung ano ang mga pinlano ko

Plano No. 1 – eh gusto ko sanang maging fit, mag sports ba everyday. Ano result naku tumaba pa ako ng 2 kilo! pambihira.

Plano No. 2 – gusto ko sana tapusin yung mga libro na pinahiram ng colleagues ko . ayon naalikabukan lang sila pero naman dami ko na naka chat na kaibigan sa YM ha, kasi sa time difference at dahil sa work di ko sila nakikita. Ayan tsikahan sa brunei, dubai, us, netherlands, pinas, new zealand atbp.

Plano No. 3 – wish ko lang eh maligpit ko mga kalat ko . mga kabutingtingan na wala namang halaga kundi maging kalat lang, kaso naman daming sale dito kaya ayan nadagdagan pa sila lalo. pag nakita yan ni pilosopo tasyo eh patay tayo diyan, masesermonan na naman ako, kasi sabi ni Tasyo eh sa bawat bili ko daw ng bago kahit ano pa man yon eh dapat magtapon rin ako or mag donate. Sabi naman sa inyo wise talaga to si Tasyo – correct naman siya di ba? Kaso naman ako eto super hoarding! Sabi nga ni Tasyo eh nag-aantay daw ako ng World War 3 pag nakikita niya ang cupboards namin. Pwede raw kami mabuhay ng 1 year.. hmp,. pilosopo talaga!

Plano No. 4 – mag general cleaning to the max, nakupo! ala ring nangyari kasi naman lagi ako telebabad or tv or kakabutingting ko ng mga kalat ko eh nakita ko mga old letters, super basa ako parang nobela (kaya pala di ko nabasa mga books ko!) at nakita ko old pictures. Pambihira! dapat talaga ginawa ko yung Plano no. 1 ko, kasi naman shockers – nakita ko figure ko dati (asa pa figure!)- na depressed me kaya snack time muna.

Eh di bale na nga since pasukan na at back to work na ulit, gawa na lang ako bagong mga plano. Wish ko talaga matupad naman sila.

Mga prends, musta na kayo diyan. Eto tapos na kandiritan at balik na ulit tayo sa munting bahay kubo. Kaya ayan balik sa gawaing bahay.. ay naku wish ko lang talaga may Inday ako dito na magmamagic at magwawagwag ng kayang walis.

Eh maiba naman tayo balik tayo sa pasyalan blues ko. Naku ang kulit ko talaga, akala ko di na ako makakabalik nang buhay dito sa min. Pano ba naman sa kakulitan ko eh eto nangyari.

  • Habang tinitingnan namin yung simbahan eh naisip ni Pilosopo Tasyo na mag join na lang kami sa tour, alas dos raw, nakapaskel.

Pilosopo Tasyo: Pokwang, gusto mo bang join sa tour? Eh di malalaman mo kung bakit ganyan itsura niyan.

Pokwang: Ah talaga? San naman bibili ng ticket? Sige ok yan. (medyo gusto raw maging cultured kuno pero sa totoo lang eh gusto na sugudin mga shops – sale pa naman)

Pilosopo Tasyo: Tingnan natin, sa likod siguro

  • Sa kabilang entrance eh may nakapaskel, sorry for the inconvenience ek ek. kung gusto raw bumili ng ticket eh umakyat sa hagdan. Eh di eto pinansin ni Pilosopo Tasyo sabi niya.

Pilosopo Tasyo: Pambihira, san na yung tanungan dito, bakit sarado?

Pokwang: Anong sarado, ayan nga panik raw sa hagdan, don ang info.

Pilosopo Tasyo: Ah ganon, eh di sige bumili ka ng ticket ha (pang asar na tono.. )

Pokwang: (ah ganon ha) Talaga! (pang asar na tono sabay walk out, mapakita nga dito na tama ako)

  • makaraan 10 segundo

Pokwang: Tasyo, pengeng pera di ko pala dala pitaka ko. (oops medyo pahiya ako dito ah, walkout kuno wala naman palang pera)

  • Eto na po, umpisa na ng adbentyur ni Pokwang. Napansin ko lang eh ang hagdan parang walang katapusan – . Ang sikip .. paikot ng paikot, asan ang tuktok nito?

Pokwang: (waaaa, di na ba natapos to??, kala ko panik lang sa hagdan, eh yun pla stairway to hell heaven!!! -di bale inisip ko lang basta makabili na nga ng ticket)

  • Finally natapos na rin ang walang katapusang hagdanan, nakita ko na ang kahero.

Pokwang: (hingal hingal sabay punas ng pawis, face towel from pinas – tumatagaktak kasi pawis) Mama, pabili ng ticket para sa tour 2 tao.

Mamang Kampañero: Huh??? Anong tour sinasabi mo? Para sa tuktok ng simbahan to. Doon ka lang sa guide sa baba magbayad pag alas dos na. ( sobrang pigil si mamang kampañero sa tawa)

Pokwang: Ah sige ho (nanginginig na tuhog – napatingin sa paligid eto nakita niya)

  • You’ve made it – 274, just 56 more steps! Eh nga pala di ko nasabi sa inyo, takot ako sa heights. As in, di nga ako sumasakay ng ferris wheel or roller coaster, kahit nga sa swing or seesaw man lang. Medyo muntik na akong mag faint dito nung na realized ko to.

Pokwang: (isip isip . naku dilemma to, kung papanik pa ako eh pano kaya ako bababa? at tska nasan na si Pilosopo Tasyo, eh kung sumilip kaya ako sa bintana, takot naman ako -sabay nginig nang tuhog)

  • Tamang tama naman habang nagmu-muni ako dito eh biglang may isang grupo ng turista. Pababa na. Naisip ko sali na rin ako sa kanila kasi at least di ako mag isa bababa 274 steps rin yon at paikot ikot. Naisip ko at least may babagsakan ako pag nanghina tuhod ko..
  • Matapos ang mala forever eh nakabalik rin ak sa lupa .

Pilosopo Tasyo: Aber, asan ang ticket?

Pokwang: (pasimple lang kahit nangi-nginig na tuhog at super cool) Ah sabi ng mama eh sa guide na lang daw bumili.

Ahahay, moral of the story? Wala lang, wag maging makulit…

Mga prends kakandirit muna si Pokwang ha. Pagbalik ko marami na namang kakulitan – pramis. Ito kasi si Pilosopo Tasyo eh nagyayang mamasyal – eh yan pa naman hilig ko. Kaya sige .. hanggang sa susunod😉 kandirit ..kandirit…